Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa
buwan ng Agosto na, may temang "WIKANG KATUTUBO: Tungo sa Isang Bansang Filipino". Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Malinaw naman sa atin na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at ang damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang ating mga iba't ibang opinyon at kaisipan.
Ang wika din ay ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang hinaing. Sa paglipas ng panahon, napatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kaniyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.
Sources: https://images.app.goo.gl/Fx8y6ztaYV7rBAwq7
https://images.app.goo.gl/oysMefh1xdaJoxkY9
No comments:
Post a Comment